Huwag itodo ang pagbukas ng gripo tuwing maliligo o maghuhugas.
Higpitan ang pagsasara ng mga gripo pagkatapos maligo.
Sa pagsisipilyo ay gumamit ng baso imbis na hayaang tumutulo ang tubig.
Maglaba nang maramihan. Huwag maglaba nang pakaunti-unti o paisa-isa dahil ito ay mas
maaksaya sa tubig.
Gumamit ng maliit na lalagyan sa paghugas, pagbalat at paglinis ng mga gulay kaysa linisin ang
mga ito habang umaagos ang tubig mula sa gripo.
Pispisin ang mga ginamit na plato at kubyertos bago ito hugasan.
Gumamit ng lalagyan na may mabulang tubig sa paghuhugas at isa pang lalagyan ng mainit na tubig
sa pagbabanlaw.
Gumamit ng walis kaysa hose sa paglilinis ng sahig ng garahe.
Linisin ang kotse sa may damuhan upang ang tubig ay magsilbing pandilig din ng damo.
Gumamit ng baldesa paglilinis ng sasakyan.
Magdilig ng hardin at bakuran sa umaga o sa gabi upang maiwasan ang mabilis na pagkatuyo ng
tubig at mas maraming tubigang masisipsip ng mga ugat ng halaman.
Tanggalin ang mga ligaw na damo sa iyong hardin o halamanan.
Siyasatin palagi ang hose kung ito'y may butas bago magdilig.
Ipagawa lahat ng linya ng tubig kung may sira.